Tagala Talaga Lyrics

Maghihinatay Ako Sayo

maghihintay ako sayo
na magbalik sa piling ko
pagka't iniibig kita hirang
ang araw man ay lumamig
at bituin may magdilim
ako ay maghihintay rin, giliw

may sugat pang damdamin mo ngunit
giliw ko
ako'y nagsikap nang magbago nang
dahil sayo

maghihintay ako sayo nang habang
buhay
sana'y pakinggan mo ang tinig ko

hanggang kailan magdurusa
ang puso kong nagmamahal
aanhin ko ang ibang pagsuyo
ang hanap ko'y ikaw

maghihintay ako sayo nang habang
buhay
o pagmasdan mo ang luha ng pusong nagdurusa
habang buhay maghihintay

 

Buhay Ng Buhay Ko

buhay ng buhay ko
dulot ko sayo buong puso ko
awit pakinggan mo
hayaang ako'y magtapat sayo
aking minamahal
lagi kong dasal
bawat isip at bawat pintig ng puso mo'y
akin
bawat pintig ng puso mo'y akin
tanging pangarap ko'y
ang sabihin mong ako'y mahal mo

buhay ng buhay ko
dulot ko sayo buong puso ko
awit pakinggan mo
hayaang ako'y magtapat sayo
o, aking minamahal
lagi kong dasal
bawat isip at bawat pintig ng puso mo'y
akin
bawat pintig ng puso mo'y akin
tanging pangarap ko'y
ang sabihin mong ako'y mahal mo
o, giliw

 

Sa Ugoy Ng Duyan

sana'y di magmaliw ang dati kong araw
nang munti pang bata sa piling ni nanay
nais kong maulit ang awit ni inang mahal
awit ng pag-ibig habang ako'y nasa duyan

sana'y di magmaliw ang dati kong araw
nang munti pang bata sa piling ni nanay
nais kong maulit ang awit ni inang mahal
awit ng pag-ibig habang ako'y nasa duyan

sa aking pagtulog na labis ang himbing
ang bantay ko'y tala, ang tanod ko'y bituin
sa piling ni nanay langit ang buhay
puso kong may dusa sabik sa ugoy ng duyan

sana'y di magmaliw ang dati kong araw
nang munti pang bata sa piling ni nanay
nais kong maulit ang awit ni inang mahal
awit ng pag-ibig habang ako'y nasa duyan
sa aking pagtulog na labis ang himbing
ang bantay ko'y tala, ang tanod ko'y bituin
sa piling ni nanay langit ang buhay
puso kong may dusa sabik sa ugoy ng duyan

nais kong matulog sa dating duyan ko
inay
o, inay...

 

Kahit Ika'y Panaginip Lang

hatinggabi gising pa, naghihintay
'di maidlip at nagbibilang ng tala
sa karamihan nito mayroong isang
natatangi
at sa tuwing tatanawi'y
mukha mo'ng nasa sa isip

ewan ko ba bakit ka nagpakita pa
sa panaginip sana'y mamasdan ka sa
tuwina
kahit na 'di na gumising pa
huwag lang malayo sa piling mo
iniibig kahit ika'y panaginip lang

sa karamihan nito mayroong isang
natatangi
at sa tuwing tatanawi'y
mukha mo'ng nasa sa isip

ewan ko ba bakit ka nagpakita pa
sa panaginip sana'y mamasdan ka sa
tuwina
kahit na 'di na gumising pa
huwag lang malayo sa piling mo
iniibig kahit ika'y panaginip lang

iniibig kahit ika'y panaginip lang

 

Sa Duyan Ng Iyong Pag-ibig

sa duyan ng iyong pag-ibig
doon lamang mahihimbing
ang puso kong nalunod sa dilim
dahil sa huwad na pag-ibig

sa duyan ng iyong paglingap
doon lamang mahihimlay
sa puso kong naanod ng ulan
palayo sayo, o aking buhay

kay rami nang kandungang
nagbigay ng kasiyahan
ngunit dulot na aliw ay palara lang
walang hanggang ligaya
at walang hanggang pag-asa
saiyo ko lang nakita lagi kong alaala

sa duyan ng iyong pag-ibig
doon ako matatahimik

ang puso ko ngayo'y nananabik
na magkaisa, puso't kaluluwa
nating dalawa, sinta

sa duyan ng iyong pag-ibig
doon lamang matatahimik
ang puso ko ngayo'y nananabik
na magkaisa, puso't kaluluwa
nating dalawa
sa duyan mo, sinta...

 

Hagkan

hagkan at iyong pagmasdan
ang ating kay sayang nagdaan
pagsuyo at lambingan laging nakakamtan
sundan at iyong pakinggan
tinig ko na nagpapaalam
tumahan ka't magsaya pagka't may sikat
pa

tingnan mo ang ating umaga
kay tamis at may pag-asa
o kay sarap isipin
tayo' y may bukas din

ako ay magbabalik rin
sa umaga, sa'yong pag-gising

huwag ng lumuha pa
di na iiwan pa

o kay sarap isipin
tayo'y may bukas din

ako ay magbabalik rin
sa umaga, sa'yong pag-gising

huwag ng lumuha pa
di na iiwan pa

 

Anak

noong isilang ka sa mundong ito
laking tuwa ng magulang mo
at ang kamay nila ang iyong ilaw
at ang nanay at tatay mo
di malaman ang gagawin
minamasdan pati pagtulog mo
at sa gabi napupuyat ang iyong nanay
sa patimpla ng gatas mo
at sa umaga nama'y kalong ka ng iyong
amang tuwang-tuwa sa iyo.

ngayon nga'y malaki ka na
nais mo'y maging malaya
'di man sila payag, walang magagawa
ikaw nga'y biglang nagbago

naging matigas ang iyong ulo
at ang payo nila'y sinuway mo
di mo man lang inisip na ang kanilang
ginagawa'y para saiyo
pagkat nais mo'y masunod ang layaw
mo
di mo sila pinapansin

nagdaan pa ang mga araw
at ang landas mo'y naligaw
ikaw ay nalulong sa masamang bisyo
at ang unang mong nilapitan
ang iyong inang lumuluha
at ang tanong, "anak, ba't ka
nagkaganyan?"

at ang iyong mga mata'y biglang lumuha
ng di mo napapansin
pagsisi ang sa isp mo't nalaman mong
ika'y nagkamali
pagsisi ang sa isp mo't nalaman mong
ika'y nagkamali

 

Kastilyong Buhangin

minsan ang isang pangako'y maihahambing
sa isang kastilyong buhangin
sakdal rupok at huwag di masaling
guguho sa ihip ng hangin

ang alon ng maling pagmamahal
ang siyang kalaban niyang mortal
kapag dalampasiga'y nahagkan
ang kastilyo ay nabubuwal

kaya't bago natin bigkasin ang pagsintang
sumpa
sa minumutya sa diwa't gawa
pagkaisipan nating kung pag-ibig ay wagas
kahit pa magsanga ng landas

minsan dalawang puso'y nagsumpaan
pag-ibig na walang hanggan
sumpang kastilyong buhangin pala
pag-ibig na pansamantala
kaya't bago natin bigkasin ang pagsintang
sumpa
sa minumutya sa diwa't gawa
pakaisipn natin kung pag-ibig ay wagas
kahit pa magsanga ng landas

minsan dalawang puso'y nagsumpaan
pag-ibig na walang hanggan
sumpang kastilyong buhangin pala
pansamantala, luha and dala
yan ang pag-ibig na nangyari sa atin
gumuhong kastilyong buhangin

Copyright Vicor Music Corporation.